isang nakakakilig na araw sa akin ito
ang makita ka dito sa fb at ini-accept mo
maraming maraming salamat mula sa puso ko
makita kang muli ay pinapangarap ko
muzta ka na kaibigan: namiss kitang pagmasdan
maamo mong mukha simbulo ng kapayapaan
makinis mong mga kamay ninais kong mahawakan
manipis mong labi, natitikso ako na aking hagkan
mabilis ang mga pagbabago dito sa mundo
nawala ang iba, may dumating na bago
pero ikaw kaibigan, nananatili sa puso ko
ikaw iningatan sa larawang aking naitago
noong makilala ka, buhay ko ay lalong sumigla
ako si superman lumilipad na kasama ka
ngunit ang tadhana natin ay nakakubli sa maskara
sabay nating ngiti walang hadlang sa tadhana
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento